CHAPTER 19: Unknown Man
(Lance)
"Orphan si Ms. Salvador?"
Naririto ako sa gilid ng music room at narinig ko ang lahat ng napag-usapan nila ni Prince. I need to report this.
I dialled my boss number at agad din naman itong sumagot.
("Did you found out who she is?")
"Sir I have a good news."
Narinig ko ang biglang pagtayo nito sa kabilang linya. I know masyado na itong despirado dahil sa sobrang tagal na din. Kaya naman naririto ako para tulungan ito upang kahit paano maibalik ko naman ang mga naitulong nito sa akin mula
ng ako ay tulungan nitong pag-aralin, bigyan ng magandang trabaho na ngayo'y ginagampanan ko. I am a secret agent sa malaking kompanya. Maging ang pamilya ko malaki ang pasasalamat sa pamilyang Dela Vega. ("What is it? Tell me.") Excited nitong tanong sa'kin.
"She's an orphan Sir. Possible na siya ang nawawala ninyong anak." masayang balita ko dito.
I heard him said thank God pero pareho naming alam na hindi pa iyon sigurado. Kailangan pa naming mas makakalap ng pruweba na siya nga ang nawawalang anak ng boss ko.
("Just make sure na hindi siya mawawala sa iyong paningin, Lance. And make sure na makakuha ka ng mas malalim na impormasyon. I badly need to find my daughter. My wife and I and my son's miss our Monique.") "I will Sir. I'll make sure na makikita niyo na ang anak niyo."
("Thank you. Just be careful na hindi ka nila mahalata specially my son.")
"Yes Sir. Don't worry maingat ako. Thank you sir Miguel." ("Good!")
Mababakas pa rin roon ang excitement nito pero mas kalmado na kaysa kanina. Matapos na magbigay pa ito ng ibang paalala nagpaalaman na rin kami. Nakita ko naman na lumabas na sila Patty and Prince sa music room. I need to follow Patty kahit saan siya pumunta.
(Patty)
Pakiramdam ko may taong nakatingin sa'kin I mean sa'min ni Prince ng lumabas kami ng music room. Mula sa labas ng pinto lumingon ako sa kaliwa sa bandang gilid ng music room. Wala naman akong nakita roon pero pakiramdam ko may taong nakamasid.
"Patty, come on!"noveldrama
Sumunod na ako kay Prince at napapilig na lang ako ng ulo. Namamalik-mata lang siguro ako.
Mabilis lang naman kaming nakarating sa auditorium. Si Prince ay dumiretso sa back stage samantalang ako naman ay pumunta na malapit sa mini stage kung saan kumakaway na si Lina sa'kin.
Tahimik ang lahat habang naghihintay sa pag perform ng banda nila Prince. Halos lahat ng estudyante naririto upang abangan ang muling pagbabalik ng grupo nila. Wala man akong idea kung gaano kagaling ang banda nila I'm sure sila na ang pinaka magaling na banda na mapapanuod ko.
Biglang nagsimulang magkagulo ang lahat ng dumating ang host at tumayo ito sa gitna ng mini stage na walang iba kung hindi si Kuya Clark. Wala rin naman akong masabi kasi sa kagwapuhan ni kuya Clark kaya ganito magwala ang mga kababaihan sa kanya, paano pa ang buong Zairin? Jusko, baka hindi na kayanin ng mga kababaihan dito.
"Good afternoon everyone." panimula nito.
"I love you Clark."
"We love you."
"Shit ang gwapo."
"Yeah! I know." anito naman at bahagyang tumawa.
Nagtawanan din naman ang lahat at halos kiligin na.
"I want to thank everyone dahil iba ang pag welcome niyong muli sa banda. I mean hindi namin ini-expect na sobra sobra ang pagwelcome niyo ngayon sa Zairin Band."
"We will support Zairin band no matter what." rinig namin na sigaw ng grupo ng mga kababaihan malapit din sa mini stage.
"Thank you everyone." sincere naman na sabi ni kuya Clark habang nakangiti.
Everyone giggle because of his reaction. Ang cute naman kasi ni kuya Clark namumula mula pa ang pisngi.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Okay! Hindi ko na patatagalin pa alam kong kanina pa kayo excited na marinig muli ang pagperform ng Zairin band dahil sobrang tagal na din nawala."
Umingay muli ang buong auditorium, halatang lahat ay excited na nga. Maging ako hindi na makapaghintay.
"Here it is! The Zairin Band."
Nagtilian na ang mga tao at hindi na magkamayaw. Unti unti ng bumubukas ang kurtina sa mini stage na tumatakip sa grupo ng Zairin band. Bago matanggal ang takip na kurtina namatay ang lahat ng ilaw sa loob ng auditorium lalo iyong nakadagdag sa excitement ng lahat dahil dumilim sa loob. Maging ako ay hindi na makapaghintay. Sa mini stage lang mayroong ilaw dahil doon lang itinutok.
Halos dumagungdong ang buong auditorium ng magsimula ng tumugtog ang banda at tuluyang bumukas ang kurtina. Napanganga na lang ako ng makitang ang aangas nilang tingnan.
I know that song. Ang galing, ginawa nilang slow rock yung kanta. Ang galing pala kumanta ni Prince. Napakalamig ng boses niya at ang sarap pakinggan. Halos lahat sila magagaling at sobrang lalakas ng dating lalo na ngayon, ang serious nila habang nagpeperform.
Napangiti na lang ako hanggang sa matapos silang magperform hindi magkamayaw ang mga tao dito lalo na syempre ang mga babae. Parang mga celebrity ang mga kolokoy.
Hingal na hingal sila ng matapos ang kanta. I don't know kung sa'kin ba talaga nakatingin si Prince pero kinikilig ako. Si Lina hindi na makagalaw dahil kanina may konteng linya na kinanta si kuya Renz. Knowing Lina gustong gusto niya si kuya Renz at alam ko lalo yang nahulog, naku nababaliw na naman sa kilig yan.
Sasalubungin ko na sana sila Prince ng bigla may humigit sa'kin na kung sino. Hindi ko makita ang mukha nito dahil naka-hoddie ito na pinatungan ng sumbrero ito at nakasuot ng black face mask. Lalo na't madilim pa rin ang paligid. Napahiwalay ako kay Lina na hindi rin napansin ang lalakeng humihigit sa'kin ngayon. Tatawagin ko sana si Lina ngunit mabilis na ako nitong nahigit papalayo.
"T-teka, saan mo ako dadalhin? Sino ka ba?" mula sa madaming tao nakipagsiksikan ang lalakeng may hawak sa braso ko kaya naman ang lagay pati ako nakikipagsiksikan na sa mga tao sa auditorium dahil hila hila ako nito.
Hindi sumagot ang lalake at patuloy lang sa paghila sa'kin. Nakakunot noo na tinitigan ko ito mula sa likod at sumunod na lang ako. Wala rin naman akong choice. Nang makalabas kami sa auditorium hindi ko napaghandaan ang sumunod nitong ginawa. Mabilis na natakpan niya ang bibig at ilong ko ng panyo. Naamoy ko ang matapang na amoy nito at agad nakaramdam ng hilo. Shit! Katapusan ko na ba? Nanghihina ako. Naramdaman ko na lang na binuhat ako ng lalake. Nanlalabo na ang paningin ko pero medyo aninag ko pa. Sino ka ba?
Ang sumunod na nangyare hindi ko na alam.